INTRO.
Ayoko na. Oo nga, mahina ako. Wag nyo nang pamukha. Tingin nyo ako gusto to?
(ALARM RINGS. )
Lunes na naman, ang araw na ayaw halos ng mga kababataan. Umpisa na naman ng pasok.
Heto na naman ako. Uumpisahan ang araw ko bilang mahina, coward, lampa, anemic, exhausted at kung anu-ano pa. Bukod sa ganoon, haharapin ko ulit ang mga pasimuno ng lahat ng negative feelings sa utak ko.
Kung sanang mayaman lang ako, isang bote ng enervon ang iinumin ko sa isang araw. Kaso hindi eh. Sa bahay lang ang nanay ko at empleyado lang ang tatay ko sa isang pagawaan ng dyaryo. Isa kami sa mga “makuntento kung anong meron” na tao.
Pano ako, lampa at mahina? palaging laman ng tuksuhan ng mga kaklase. nakakasawa na. Nakaksakal. Kailan kaya matitigil to? O kung hindi man, kailan ako makakahanap ng isa pang sandigan at proteksyon?
1.
Matapos tumunog ang alarm clock ko, sinampal ko ang mukha ko para magising. nakaugalian ko nang gawin ito.
Oo nga. Totoo nga. Sabi ko sa sarili. LUNES ngayon. May igugood time na naman sila.
Pagkatapos, tiningnan ko ang cellphone ko.
4 MESSAGES RECEIVED.
from: Marsh
– Payatot, yung sa project no.
from: Jade
– Payat, yung visual aide sa report no.
from: Paul
– LAMPA. XD. hihi. wala lang.
from: Mark
– uy, gising na. ![]()
Habang naliligo, biglang tumunog ang cellphone ko. TEXT MESSAGE.
from: unknown number
– what the heck! di ka pa gising! putsa.! gogaloid!
Sa buong kasaysayan ng buhay ko, ngayon pa lang ako nakareceive ng ganitong message. TRASH MESSAGE ang tawag nila sa mga to, alam ko. Pero ngayon ko lang nakaranas makareceive nito. Di ko pa alam kanino galing.
at nireplyan ko sya:
to: unknown number
– HOY! walang hiya ka! Ang galing mo ring mag-wrong send no! Mamatay ka na!
Sa sobrang inis ko, inabot ako nang disoras sa pagliligo. Hindi na nga ako nakapagtoothbrush. ![]()
